oh no!
November 20, 2005…o Hinde! Hindi maari!
ani ng isang bokalista ng isang metal na bandang aking napanood nung isang araw
Sa malate… matindi ang eksena, palaban ang mga istura at mabigat ang tugtugan
Parang barbel na kalawangin na rin aking sinubukang malibang sa tunog ng kaguluhan
Na katulad na rin ng aking isipan nung mga oras na iyon.
Mabigat! Mabigat ang presyo ng beer sa lugar na parang impyerno sa itim na mga damit
At pulang ilaw. Ang ilaw na bumubulag at nagbibigay tapang sa mga tumutugtog.
Ang tugtugang nagpapasaya - nagpapalimot panandalian ng problema sa bahay, sa eskwela
sa mga organizasasyon, sa kapatiran, at sa lipunang umiipon sa aking kalooban at sa aki’y nag papasigaw…
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.








