Impeachment Bit
August 17, 2006Kagilagilalas ang pambungad ng mga pahayagan ngayon – HOUSE KILLS IMPEACH BID. Isang mahusay na ehemplo ng intrikatibong pamamaraan ng ating mga “honorable” upang masagot ang mga tanong ng ating bansa. Isang taon tayong naghintay, at isang taon nanaman tayong mabubuisit sa mga mukhang hindi natin alam kung papano napunta sa mga magagandang bulwagan at sa TV.
Magaganda at swabe ang kanilang porma at mukha talagang matatalino, isang pruweba ng kanilang malawak na karanasan at mala-epikong pagiisip. Ngunit ang tanong ay kung bakit ayaw nilang maimbestigahan ang pangulo. Inabot lang ba sila ng paminsanang katamaran o simple at inosenteng “lack of judgment” lang sa isinumiteng impeachment papers ng taong bayan? Kaya naman makapagiisip ang isa ng mga haka-haka kung bakit hindi hinahayaang makasagot ang pangulo sa mga paratang sa kanya – ayaw ng kanyang mga kaalyado; ayaw nya; baka hindi niya maintindihan ang mga salitang ginagamit na pangtanong sa kanya; baka magkaalaman; may prize (o price) ang bumoto ng “no” sa impeachment; o baka dahil maging dulot ito upang hindi niya na uli mabati sa entablado ng SONA o kung saan man ang mga taong talagang kapuri-puri (eg. Palparan, Garcillano at the others).
Kung ano man ang dahilan, isa lang ang magandang maidudulot nito. Binigyan nila tayo muli ng karagdagang tulak upang magtanong, makapagisip at posibleng makadama ng simpatya sa bawat isa at agarang angkinin muli ang pagmamayari ng bansa.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.








